Salita

Bawat kwento, kada balangkas ng salita, o titik para makabuo ng isang salita ay may gustong iparating. Parang ngiti ng dalaga sa loob ng jeep habang nakatitig sa cellphone, o buntong hininga ng empleyado na naka-long sleeves at kurbata sa loob ng elevator; mga kilos na nagpapahiwatig at nagpapadama.

Pero mayroon din namang natural lang at hinhintay lang na mapansin. Mga bagay na kung hindi mo pa bibigyan ng pangalawang tingin, tiyak malalampasan mo lang at di mapapansin. Tulad ng nangingitim na mga mata na tutok na tutok sa ga-dangkal na libro; walang ibang testigo kundi ang tahimik na mukha ng relo.

Bawat kwento may simula. Madalas mapapansin mo agad, katulad ng pagtilaok  ng tandang tuwing umaga, o amoy ng kape na may katerno na pandesal.
May ibang kwento naman na hindi mo alam kung saan ang dulo at simula; parang first love mo na hindi mo makalimutan o exams na hindi mo alam ang kinahantungan.

At syempre, ang bawat kwento ay may katapusan. Parang sanaysay na ‘to kahit walang kabuluhan. At katulad ng ano mang bagay na walang kabuluhan; lahat ‘to ay may katapusan.

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s